5-minute travel time mula Cubao hanggang Makati, maisasakatuparan – DPWH

by Radyo La Verdad | July 2, 2019 (Tuesday) | 6522

METRO MANILA, Philippines – Kung imposible para sa iba na magawa ang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na 5-minute travel time sa EDSA mula Cubao hanggang Makati pagsapit ng Disyembre, tiwala naman si Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na maisasakatuparan ito oras na mabuksan ang ilang major road projects sa Metro Manila.

Kabilang sa mga proyektong ito ay ang Manila skyway stage 3 project, NLEX Harbor Link at C5 South Link Expressway. Target na matapos ang naturang mga proyekto bago matapos ang taon. Oras na mabuksan ang mga kalsadang ito ayon kay Secretary Villar tinatayang nasa dalawang daang libong sasakyan ang maaaring maalis sa EDSA.

 “The skyway once it is completed we will reduce the traffic by 100,000,when we finish the connector it might likely reduce at least 50,000,when we finished the C6 we will reduce another minimum of 50,000 when we build bridges across Pasig in Sta. Monica Lawton that is projected 50,000 the wider Estrella Pantaleon when all these are finished we will be able to bring back EDSA to a former state which is acceptable on traffic,” ani DPWH Sec. Mark Villar.

Ayon pa kay Secretary Villar, tinatayang nasa 250-300 libong mga sasakyan ang kinakailangan maialis sa EDSA at mai-divert sa ilang kalsada upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA at para makamit ang 5-minute travel time mula Cubao hanggang Makati.

 “Rest assured that this dream of EDSA is not just a dream it comes from a point of inevitability we will decongest EDSA and with regards to the 5 minutes the skyway from Makati to Quezon City you can get there in 5 minutes and we will be delivering 90 percent of that by this year,” dagdag ni DPWH Sec. Mark Villar.

Sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority noong nakaraang taon, nasa mahigit apat na raang libong sasakyan ang araw-araw na dumadaan sa EDSA na lampas sa capacity ng naturang major thoroughfare na 288 thousand lamang.

Nauna nang ipinahayag ng MMDA na malaking hamon para sa kanila na maisakatuparan ang 5 minute travel time na pangako ng Pangulo.

Bukod sa DPWH, kumpiyansa rin ang PNP Highway Patrol Group na possible ang 5-minute travel time, kung striktong ipatutupad ang mga batas trapiko gayundin ang planong paglilipat ng motocycle lane sa tabi ng bus lane sa EDSA.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: , ,