Limang kumpanya na ang nag-acquire ng bid documents mula nang buksan ng pamahalaan ang selection process para sa ikatlong major telecommunications company sa bansa.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), kabilang dito ang kumpanya ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singsong at isang Davao-based internet service provider.
Nagpahayag na rin ng interes ang Udenna Corp, NOW Corp, ang Norwegian telecom operator na Telenor at isa pang hindi pinangalanan.
Ayon pa kay DICT Sec. Eliseo Rio, dalawa pang kumpanya ang nakatakdang magsecure ng bid documents ngayong linggo.
Inaasahang ihahayag ng pamahalaan ang mapipili sa Disyembre.