Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Batanes alas 2:20 kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang sentro ng pagyanig sa 73 kilometro ang layo sa kanluran bahagi ng bayan ng Sabtang.
Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 10 kilometro.
Walang naitalang pinsala dulot ng pagyanig subalit inaasahan na masusundan pa ito ng mga aftershock.
(UNTV RADIO)
Tags: Batanes, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology