422 milyong tao sa buong mundo may sakit na diabetes – WHO

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 5194

WHO
Ipinahayag ng World Health Organization na lumobo na sa 422 milyon sa buong mundo ang may sakit na diabetes.

Ayon sa director ng noncommunicable diseases ng WHO tumaas ng halos na apat na beses ang may diabetes simula pa noong 1980.

Ito umano ay bunsod ng pagtaas ng kaso ng mga taong obese.

Sa pag-aaral ng WHO tumaas ang kaso ng sakit sa mga low at middle income countries kabilang na ang China, India, Indonesia, Pakistan at Mexico.

Nanatili namang mababa ang kaso ng diabetes sa Northwestern Europe kabilang na ang Switzerland, Austria, Denmark, Belgium at The Netherlands.

Bunsod nito nanawagan ng world body na agarang resolbahin ang unhealthy diet at lifestyle sa buong mundo.

Ang pagaaral ay inilabas kaugnay ng paggunita ng world health day ngayong araw.

Tags: , , ,