Apatnapu ang iniulat na nasugatan at mahigit limampu ang inaresto sa kilos protesta na nauwi sa kaguluhan sa Paris.
Libu-libong demonstrador ang nagtipon sa siyudad habang pinagdedebatehan ng mga mambabatas sa parliamento ang labour reform bill.
Tinututulan ng mga demonstrador ang reform bill kung saan mas madaling maghire at magtanggal ng empleyado.
Ayon sa mga pulis, daan-daang mga nakamaskarang tao ang nambato, nanunog ng mga sasakyan at binasag ang bintana ng mga shops.
Dahil dito ginamitan na ng pulisya ng tear gas at water cannons ang mga protester.
Tags: 40 sugatan, 58 inaresto, kilos-protesta, labour reform bill, Paris