40 PUV drivers, nagnegatibo sa surprise drug testing ng LTO

by Radyo La Verdad | December 25, 2021 (Saturday) | 1265

Nag-negatibo sa random drug testing ng Land Transportation Office (LTO-12) at Philippine Drug Enforcement Agency-12 (PDEA-12) ang 40 PUV drivers sa public terminal sa Koronadal City matapos ang ginawang sorpresang pagbisita ng ahensya nitong Miyerules (Dec. 22, 2021).

Ayon kay LTO-12 Director Macario Gonzaga, layunin ng ginawang random drug testing ay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat biyahero. Umaasa rin ang opisyal na magsisilbi itong paalala sa bawat driver.

Nagpadala na rin ang mga ito ng teams ngayong linggo para i-monitor ang bawat terminal, major roads at strategic areas sa buong Soccsksargen Region.

Nag-iwan din ng paalala ang ahensya sa mga driver na tiyakin ang registration ng naturang sasakyan maging ang driver’s license bago bumyahe at panatilihing sundin ang mga batas na pinapatupad.

(Marc Audrey Gaad | La Verdad Correspondent)

Tags: