4 sa 10 Pilipino, naniniwalang walang magandang intensyon ang China sa Pilipinas – SWS

by Radyo La Verdad | April 10, 2019 (Wednesday) | 14060

Manila, Philippines – Hindi kumbinsido ang ilang Pilipino sa nagiging relasyon ng Pilipinas sa China.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), sa 1,440 na respondents na tinanong kung sangayon ba sila sa pahayag na para sa ikabubuti ng Pilipinas ang nais na mangyari ng Chinese government..

44 percent ang hindi sangayon, 27 percent ang sangayon at 29 percent ang hindi pa makapagdesisyon.

Sa 10 tao na tinanong ng Untv news team, karamihan sa kanila ay naniniwalang walang magandang intensyon ang China sa Pilipinas.

Ayon kay professor Jay Batongbacal, director ng University of the Philippines- Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea.

May malaking usapin talaga kung paguusapan ay tiwala sa China, mas lumaki ang kawalan ng tiwala aniya dito dahil sa mga kasalukuyang kontrobersya at suspetsa sa tunay na intensyon ng China.

Mas lumala rin aniya ang usapin ng pagtitiwala, dahil sa patuloy na pagtatanggol ng pamahalaan.Ang sentimiyento na ito ng mga pilipino ay sa gitna na rin ng nangyayaring isyu sa West Philippine sea.

Ang usapin ngayon sa pinasok na loan agreement ng pamahalaang Pilipinas sa China at ang isyu sa pagdami ng chinese workers sa bansa.

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: ,