Apat na ang nasawi dahil sa matinding pagbaha sa ilang bahagi ng South America bunsod ng matinding ulan na dala ng El Niño.
Ayon sa ulat ang mga nasawi na mula sa Argentina at Uruguay ay nalunod habang ang isa naman ay nakuryente.
Mahigit isang daang libong residente ang lumikas sa Paraguay, Uruguay, Brazil at Argentina.
Pinaka apektado ng pagbaha ang Asuncion, Paraguay kung saan siyam na pung libong residente ang inilikas.
Karamihan sa mga inilikas ay mga mahihirap na pamilyang nakatira malapit sa ilog ng Paraguay.
Ayon sa Paraguay Emergencies Office posible pang tumaas ang lebel ng tubig sa Paraguay river sa mga susunod na araw.
Nagdeklara na ng state of emergency ang Asuncion at pitong rehiyon sa Paraguay.
Patuloy rin ang ginagawang relief at assessment ng pangulo ng Argentina at Brazil sa mga apektadong mamamayan.
Tags: 100k inilikas, 4 patay, ilang bahagi, pagbaha, South America