4 na hinihinalang miyembro ng drug syndicate, patay sa engkwentro sa mga pulis sa Quezon City

by Radyo La Verdad | July 11, 2016 (Monday) | 1587

REYNANTE_ENGKWENTRO
Nadagdag sa listahan ng Quezon City Police District ang apat sa hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga na napatay sa isinagawang buy bust operation kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga ito na sina Earl Javier at Ignacio Dela Cruz at alyas Joseph at Jake na mga miyembro ng Briones Drugs Group.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nang magkaabutan na ang mga suspek at mga operatiba ng 100 grams ng illegal drugs, natunugan ng mga suspek na mga pulis ang nakatransaksyon.

Dito na umano nanlaban ang mga suspek na ikinasawi ng mga ito.

Tags: , ,