Hinihinalang drug pusher, patay sa engkwentro sa Sta.Cruz, Manila

by Radyo La Verdad | July 13, 2016 (Wednesday) | 1865

BENEDICT_PATAY
Dead on the spot ang lalaking ito matapos na manlaban umano sa mga tauhan ng MPD Station 3 Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group, sa isinagawang buy-bust operation sa Elias Street Sta.Cruz Manila pasado alas nuwebe kagabi.

Kinilala ang napatay na suspek sa alyas na loloy na dayo lang sa lugar at matagal na umanong nagbebenta ng droga.

Ayon sa mga otoridad, nahirapan silang pasukin ang lugar dahil mahaba ang kalsada papasok sa bahay ng suspek at marami umanong nakakapag bigay sa kanya ng impormasyon kung may paparating na pulis, kaya pinagplanuhan nilang mabuti ang operasyon.

Naabutan pa umanong nilang nagrerepak ng droga ang suspek subalit ng matunugan na pulis bibili ng shabu ay pinputukan ang mga otoridad.

Umalingawngaw na ang palitan ng putok sa pagitan ng suspek at mga pulis na nagresulta sa pagkakapatay kay alyas Loloy.

Wala namang nasaktan sa panig ng mga alagad ng batas, at sa ngayon at pinaghahanap narin ang live in partner ni alyas Loloy na umano isa ring pusher sa lugar.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,