Niyanig ang magnitude 4.2 na lindol ang Surigao del Sur kaninang alas dos kwarenta’y syete ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang sentro ng payanig apatnapu’t limang kilometro ang layo sa silangan ng bayan ng Bayabas.
Tectonic in origin ang lindol at may lalim na labing anim na kilometro.
Wala naman naitalang pinsala ang pagyanig o inaasahang aftershocks.
(UNTV RADIO)
Tags: lindol, Surigao del Sur