METRO MANILA – Nasa halos 30 Chinese fishing vessels ang muling namataan sa ilang lugar sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) – Western Command (WESCOM), nakunan ang mga ito noong September 6 at 7.
23 dito ay ang nakahimpil sa may Iroquis reef, 5 sa Escoda Shoal, at 2 naman Baragatan Bank.
Ayon sa AFP WESCOM, ang presensya ng mga barko ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas ay patunay lamang ng patuloy na paglabag ng China sa sovereign rights at hurisdiksyon ng Pilipinas sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ).