3 printing machine na may bakas ng liquid residue na hinihinalang shabu, nadiskubre ng NBI at PDEA sa Valenzuela City

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 2109

Isang anti-drug operation ang isinagawa  ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at Sampaloc Police sa Maceda St. Barangay 501 Sampaloc, Maynila kahapon.

Ito ay matapos iulat ng mga kawani ng barangay na isang kahina-hinalang apartment ang inabandona ng dalawang Taiwanese national na umuupa rito. Hindi na umano ma-contact ang mga ito simula pa noong Mayo kung kaya’t inireport ng may-ari nito sa barangay hall.

Nang pasukin ng mga otoridad ang apartment ay natagpuan sa loob nito ang tatlong printing machines at CCTV system na gumagana pa. Katulad umano ito ng limang makinang nasakote ng BOC noong Mayo sa Valenzuela City kung saan tinatayang 6.4 billion pesos na halaga ng shabu ang nakita sa loob nito.

Nang mabuksan ng mga otoridad ang mga printing rollers ay nakitaan ito ng bakas ng liquid residue na hinihinalang methamphetamine o shabu.

Iniimbestigahan pa ng otoridad ang na-recover na CCTV sa abandonadong apartment at susuriin naman ang mga nakuhang liquid residue sa mga makina.

 

(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,