3 Pilipinong naka quarantine sa New Clark City kinakitaan ng sintomas ng COVID-19

by Erika Endraca | February 28, 2020 (Friday) | 3970

Nagkaroon ng ubo at sipon ang 3 Pilipinong galing sa Japan ilang araw natapos silang isalalim sa quarantine sa New Clak City.

Inilabas muna sila sa quarantine facility at dinala sa Jose B. Lingad Hospital sa Pampanga upang mas mamonitor ng mga doktor ang kanilang kundisyon.

Base sa source ng UNTV News nag-negatibo na ang 3 sa unang test na isinagawa sa kanila Kagabi (Feb. 26).

Pero posibleng isailalaim pa umano sila sa isa pang test upang makatiyak na ligtas sila sa nasabing virus.

Sinabi rin ng source na maliban sa 3 ay may iba pang Pilipino sa New Clark City ang kinakitaan rin ng sintomas na nakatakdang dalhin sa ospital Ngayon araw upang isailalim sa rin sa test.

Samantala ang isa pang Pilipino sa New Clark City ang wala na umanong planong bumalik sa kanyang trabaho bilang deck maintenance ng MV Diamond Princess.

Tinerminate na umano nya ang kanyang kontrata bago umalis sa Japan dahil mas nais nalang niyang manatili dito sa bansa upang makasama ang kanyang pamilya.

458 Pilipino ang isinasailalim ngayon sa quarantine kasama ang 13 miyembro ng repatriation team.

Bago umalis sa Yokohama, Japan ay negatibo ang lahat ng ito sa COVID-19.

Pero una nang sinabi ng DOH na posible pa rin magpositibo sa Coronavirus Disease ang mga ito.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,