New Clark City Athletic Stadium, muling nakatanggap ng nominasyon sa World Architecture Festival

by Radyo La Verdad | October 18, 2021 (Monday) | 159

Muling nakapasok sa nominasyon sa World Architectural Festival ang New Clark City Athletic Stadium sa Capas Tarlac.

Ang World Architecture Festival ay ang pinakamalaking pang-internasyonal na architecture event sa mundo.

Kasama sa pinagpipilian para sa kategorya ng engineering ang sports stadium ng New Clark City .

Gaganapin ang patimpalak sa fil Exhibition Center sa Lisbon, Portugal, December 1-3 ngayong taon.

Ang New Clark City Athletics Stadium ay nagsilbing venue para sa 30th Southeast Asian Games noong 2019.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)

Tags: ,