3 milyong tao, namamatay taon-taon dahil sa sakit sa puso na dulot ng paninigarilyo – WHO

by Radyo La Verdad | June 1, 2018 (Friday) | 6391

Lumalabas sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) na ang sigarilyo ay nakakapagdulot din ng sakit sa puso.

Taon-taon anila tatlong milyong tao sa buong mundo ang namamatay dulot ng paninigarilyo at second-hand smoke exposure o ang pagkalahanghap ng usok mula sa sigarilyo.

Ayon sa WHO, tatlumpung porsyento ang tiyansang magkaroon ng sakit sa puso ang isang naninigarilyo maging ang mga nakalanghap lang ng usok nito. Ito ay dahil may nicotine at iba pang cancer-causing substances ang mga sigarilyo.

Sa tala naman ng DOH, oras-oras ay 17 Filipino ang namamatay dahil sa paninigarilyo.

Ikinababahala ng mga eksperto ang halos labing anim na milyong Pilipinong ayaw paawat sa paninigarilyo kaya suportado nila ang Panukalang batas nina Sen. Manny Pacquiao at Sen. JV Ejercito na taasan pa ang excise tax sa sigarilyo.

Hinihikyat din ng mga otoridad ang lahat ng mga smokers na tumigil na sa paninigarilyo upang maagapan ang pagkakaroon ng sakit sa puso.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,