Narescue ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ang 3 babaeng menor de edad mula sa pananamantala o online sexual exploitation sa Damarinas, Cavite sa isinagawang rescue operation nito noong January 8.
Ayon kay Eric B. Distor, Officer-in-Charge ng NBI, nag-ugat ang kaso sa referral mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na kalaunan ay ini-assign sa NBI-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD).
Base sa intelligence report ng FBI at sa isinagawang surveillance operation ng NBI, napag-alamang isang Pinay na umano’y ina ng isa sa mga biktima ang nakikipagusap sa isang Amerikano gamit ang Facebook at nagpapadala ng mga larawan ng maseselang bahagi ng katawan ng anak nito kasama ang dalawa pang menor de edad na kaibigan ng bata.
Hindi naging madali para sa NBI-AHTRAD na matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang pang bata kaya nakipag-ugnayan na ang ahensya sa paaralan kung saan nag-aaral ang mga biktima upang makuha ang identification nito.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang mga bata at nasa isang shelter sa Rizal kung saan mas mapoprotektahan ang mga ito.
Samantala, tinatayang nasa USD2,680.00 ang kabuuang halaga ng natanggap ng suspek mula sa parokyano nito mula April hanggang August 2019.
(Syrix Remanes | La Verdad Correspondent)
Tags: NBI, sexual exploitation