Paiimbestigahan na ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde sa PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ang nangyaring sexual harrassment sa dalawang plebo ng Philippine National Police Academy (PNPA) noong ika-6 ng Oktubre.
Ayon kay Albayelde, nais niyang madismiss sa akademya ang tatlong kadete na sangkot sa nangyaring kaso ng sexual abuse.
Aniya bukod sa sexual harrassment may kinakaharap ding kaso ng hazing ang mga inirereklamong kadete.
Dawit din aniya ang dalawang 3rd class cadet o 2nd year students na nanood lamang.
Sa kasalukuyan ay isolated na sa barracks ang tatlong kadete.
Samantala, ipinatatanggal din sa pwesto ni Albayalde ang mga pulis na may dalawang taon ng nagtuturo sa akademya.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: PNP chief PDG Oscar Albayalde, PNPA, sexual harrassment