Babantayan ng National Capital Region Police Office ang pagbubukas ng klase sa lunes dahil sa inaasahang nasa 2.6 milyong estudyante ang magbabalik-eskwela ngayong taon.
“Ang National Capital Region ay almost 18 thousand in lahat po yan ay in full alert para po don sa pagbabalik ng ating mga estudyante.” Pahayag ni NCRPO PIO Chief PCInsp. Kimberly Molitas
Partikular na babantayan ng mga pulis ang paligid nang mga eskwelahan.
Maglalagay rin aniya ng mga police assistance desk sa bus terminals, sa matataong lugar at mga university belt.
Kasama rin nila sa paghahanda ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA upang mamahala sa traffic at office of the civil defense dahil panahon na ng bagyo at tag- ulan.
Hinikayat rin ng NCRPO sa mga estudyante na huwag nang manlaban sakaling mabiktima ng masasamang-loob sa halip ay tandaan na lamang ang pagkakakilanlan sa suspek at saka isumbong sa pulis.
(UNTV NEWS)
Tags: NCRPO