Nanawagan naman ang COMELEC sa mga kandidato at supporters na kusang baklasin ang kanilang ikinabit na campaign materials ngayong tapos na ang eleksiyon.
Ayon sa komisyon, wala silang mandato na magsagawa ng oplan baklas at tungkulin ng mga pulitiko na tanggalin ang ipinaskil nilang election paraphernalia.
Bilang tugon, nangako naman ang mga nagwaging kandidato sa Bulacan na sisimulan ngayon araw ang clearing operations na target tapusin sa loob ng isang linggo.
Habang ang City Environment and Natural Resources naman sa Masbate ay nag-ikot na rin sa lungsod upang baklasin ang mga poster na nakakabit sa mga poste ng kuryente at mga pader.
Ayon sa CENRO, posibleng matagalan ang clearing operations dahil sa dami ng mga basura kailangang kulektahin sa urban at rural areas pati na sa upland at coastal barangays.
(UNTV NEWS)
Tags: campaign materials