MMDA, nakakoletka ng 52 na truck na campaign materials

by Radyo La Verdad | May 16, 2016 (Monday) | 2069

OPLAN-BAKLAS
Walumput pitong tonelada o katumbas ng limamput dalawang truck ng mga campaign materials ang nakuha Oplan Baklas Team ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA simula noong February 9.

Mas marami ito kumpara sa mga nakuha nila noong 2013 elections.

Ayon sa MMDA, inaasahan nila na makakuha ng mahigit kumulang isang daang truck ng mga campaign materials bago magtapos ang kanilang operasyon sa May 30.

Ang lungsod ng Maynila at Quezon ang may pinakamaraming campaign materials na nakuha ng MMDA.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,