Pagpapaunlad ng ekonomiya at mataas na antas ng kahirapan sa Pilipinas, ilan sa malalaking hamon na haharapin ng susunod na administrasyon

by Radyo La Verdad | May 6, 2016 (Friday) | 4917

PEOPLE
Sa isinagawang mobile survey ng Social Weather Stations noong April 5 at 6 sa 1,200 respondents kada araw ng survey.

Naniniwala ang karamihan sa mga respondent sa kakayahan ni Grace Poe na maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin at pangalawa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Maging sa isyu sa pagtataas sa sahod ng mga manggagawa ay mataas ang rating ni Poe at Duterte.

Pagdating naman sa pagsugpo sa korapsyon, si Duterte ang may mataas na rating sa mga kandidato na pinaniniwalaaang makakalutas nito.

At si Poe naman ay mas pinaboran pagdating sa usapang pangkalusugan.

Ngunit sa kabila ng mga pananaw na ito.

Ayon kay Asia-Pacific Chief Economist Rajiv Biswas ng IHS Global Insight, hindi magiging madali ang haharapin ng susunod na pangulo ng Pilipinas sa paglutas sa ilang isyu.

Sa pag-aaral ng regional economist, haharapin ng susunod na gobyerno ng bansa ang malaking hamon kung papaano mapapanatili ang paglago ng ekonomiya na siyang magaangat naman sa buhay ng mga mahihirap.

Ilang sa hamong pang-ekonimiya ay ang pagpapabuti sa sektor ng pagnenegosyo para sa mga mamumuhunan.

Pinuri ng chief economist ang Aquino administration sa naging paglago ng ekonomiya ng bansa na naga-average sa 6 percent kada taon mula 2011 hanggang 2015.

Sa kabila ng mga naitalang progreso sa ekonomiya, ayon pa sa ekonomista, mahalagang maging prayoridad ng susunod na administrasyon ang pagpapababa sa mataas na antas ng kahirapan sa bansa.

Batay sa kanilang pag-analisa, nasa 25.8 percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ay nasa ibaba pa ng poverty line.

Ayon sa IHS, posibleng lumago pa ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na taon at magiging trillion dollar-economy sa taong 2030.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: ,