Mga naiambag ni dating Chief Justice Renato Corona sa hudikatura ng bansa, inalala ng mga mahistrado ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | May 6, 2016 (Friday) | 6284

CJ-CORONA
Inalala ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang naging ambag ni dating Chief Justice Renato Corona sa hudikatura ng bansa sa loob ng dalawang taon ng kanyang pamumuno.

Isa na rito ang pagpapabuti sa kalagayan ng pangkaraniwang mga empleyado ng mga Korte gaya ng dagdag na sahod at mga benepisyo.

Inalala rin ang paninindigan ni Corona upang ipagtanggol ang kalayaan ng hudikatura bilang isang hiwalay at kapantay na sangay ng pamahalaan.

Inalala rin ang pagiging dedikado sa trabaho ni CJ Corona.

Nagpasalamat naman ang pamilya Corona sa lahat ng nakiramay at patuloy na sumusuporta sa kanila matapos ang anila’y unconstitutional na pagkakatanggal sa pwesto sa dating punong mahistrado.

Napatawad na rin umano ng pamilya ang mga umano’y nagsabwatan upang mapaalis sa pwesto si Corona.

Mananatiling nakalagak sa session hall ng Korte Suprema hanggang ngayon araw ang mga labi ni CJ Corona.

Bandang alas nwebe ng umaga mamaya nakatakda ang libing ng dating punong mahistrado sa The Heritage Park sa Taguig City.

(Roderic Mendoza/UNTV NEWS)

Tags: