Transmission tower ng NGCP sa Mindanao muli na namang binomba

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 3167

NGCP
Isa na namang transmission tower ng National Grid Corporation sa Barangay Linamon, Ramain, Lanao del Sur sa Mindanao ang binomba ng mga hindi pa natutukoy na grupo.

Ang tower 25 ng Agus 2 kibawe ay una nang pinasabog noong December 25, 2015 at inabot ito ng tatlong buwan bago naibalik sa maayos na kondisyon.

Natagalan ang pagkukumpuni sa naturang tower dahil na rin sa ayaw pahintulutan ng mga ay-ari ng lupa ang NGCP na magsagawa ng repair.

Ang tore dahil sa hindi pakikiisa ng mayari ng lupa na kinatitirikan ng transmission tower.

Ayon sa NGCP, hindi pinapahintulutan ng mayari ng lupa ang mga line men ng ngcp na magsagawa ng repair at binabantaan pa ang mga ito ng hindi maganda.

Ito na ang ika anim na pambobomba na naitala ng NGCP ngayong taon, noong 2015 nakapagtala ang NGCP ng halos dalawampung pambobomba sa mga transmission tower sa Mindanao.

Matagal nang problema ng ngcp ang mga pambobomba sa mga tore, nagsimula ito ng pakiusapan ng NGCP ang mga mayari ng lupa na huwag magtanim sa ilalim ng mga tore dahil maaari itong maka apekto sa transmission line.

Nagbabala naman ang NGCP na kung magpapatuloy ang mga ganitong insidente sa mga darating na araw ay maaaring maka apekto ito sa supply ng kuryente sa ilang syudad sa Mindanao.

Sa ngayon ay sinigurado ng NGCP na mayroong sapat na supply ng kuryente sa Mindanao sa eleksyon subalit hindi nila matiyak na hindi na mauulit ang pagbobomba.

Nitong Martes naman ay on-line na ang Agus Baloi matapos ang halos dalawang taon na hindi napakinabangan dahil na rin sa mga tinamong pinsala bunga ng pananabotahe ng ilang grupo.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: