Mga residente sa isang barangay sa Aurora, napaglingkuran sa medical mission ng MCGI at UNTV

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 3204

MEDICAL-MISSION
Kahirapan sa buhay at malayong lokasyon ng mga pagamutanang kalimitang dahilan kung bakit hindi nakakapagpa-konsulta sa duktor ang maraming residente sa Baler, Aurora.

Gaya na lamang ng pamilya ni Aling Precy na sa halip magpagamot ay tinitiis na lamang ang ubo at sipon at iba pang karamdaman.

Kaya naman malaki ang kanyang pasasalamat sa libreng medical mission ng UNTV katuwang ang Members of Church of God International.

Bagaman tatlong oras silang naglakbay sakay ng bangka mula sa kanilang bahay sa San Luis ay hindi nila ito inalintana, makakuha lamang ng libreng gamot at medical service.

Nagpapasalamat rin si Lola Esperanta dahil nai-konsulta niya sa duktor ang matagal na niyang iniindang pananakit sa sa kasu-kasuan.

Kabilang sa mga alok na serbisyo ng medical mission ay ang libreng medical consultation, tooth extraction, pedia, libreng salamin sa mata, libreng ECG at cbg at libreng gamot.

Sa kabuuan ay umabot sa tatlong daan at limampu’t lima ang naserbisyuhan sa medical mission ng UNTV at MCGI sa Baler, Aurora.

Kalimitan sa mga nagpapatingin sa medical mission ay may hypertension kaya payo ng isa sa mga volunteer doctor ng Clinic ni Kuya Daniel sa ating mga kababayan na mag-ingat at magkaroon ng healthy lifestyle.

Ang pagsasagawa ng libreng medical mission ay bahagi ng adbokasiya ng UNTV at MCGI na tumulong sa kapwa-tao, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

(Grace Doctolero/UNTV NEWS)

Tags: , , , ,