PPCRV inihahanda na ang command center para sa unofficial parallel count

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 1228

PPCRV
Gagamitin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang may 700,000 volunteers nito sa buong bansa upang magbantay sa darating na eleksyon.

Bukod sa pagbabantay sa mga presinto, isa rin sa tungkuling gagampanan ng PPCRV ay ang pagsasagawa ng unofficial parallel count ng mga boto.

Kanina ipinasilip ng PPCRV sa media ang command center nito kung saan isasagawa ang unofficial count.

Mula sa vote counting machines isa sa direktang papadalhan ng election results ay ang transparency server kung saan kukuha ng datos ang PPCRV para sa kanilang unofficial count.

Umaasa rin ang PPCRV na tataas ang transmission rate sa eleksiyon sa Lunes kumpara noong 2013 elections.

Bukod sa transmission isa rin sa mga concern ng grupo ang mga pagbabago sa guidelines ng pagboto.

Kabilang na rito ang pagbibigay ng replacement balot
Pangamba ng grupo maaring magdulot ito ng kalituhan sa araw ng halalan sa mga presinto.

Kabilang din sa concern ng grupo ay hindi rin nababantayan ng mga tauhan ng PPCRV ang deployment ng mga election paraphernalia.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: