AMLC, hiniling sa Manila RTC na palawigin pa ang freeze order sa bank accounts ni Kim Wong

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 10721

KIM-WONG
Hinihiling ng Anti-Money Laundering Council o ALMC sa Manila Regional Trial Court na palawigin pa ang provisional asset preservation order na ipinalabas para sa mga bank account ni Kim Wong nitong April 18.

Sa pagdinig kahapon, hiniling ng AMLC na panatilihin ang freeze order sa mga bank account habang dinidinig ang forfeiture case laban kay Kim Wong kaugnay ng 81-million dollars na ninakaw sa Bangladesh Central Bank noong Pebrero.

Sakop ng freeze order ang tatlong bank accounts ni Kim Wong at 4.63 million dollars at 38.3 million pesos na perang isinoli nito sa AMLC.

Bukod dito, nasa 250-million pesos pa umano ang perang hindi naibabalik ni Wong.

Sakaling ma-forfeit pabor sa pamahalaan ang nasabing mga pera, maaari na itong mabalik sa Bangladesh Central Bank.

Ayon sa abogado ni Wong na si Atty. Tobi Purisima, nakahanda naman silang makipag tulungan sa pamahalaan para dito.

Tags: ,