Negros Occidental, isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Nino phenomenon

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 5357

NEGROS
Mahigit na sa pitong libong magsasaka ang naapektuhan ng matinding tagtuyot sa Negros Occidental.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa dalawandaang milyong piso na ang halaga ng mga napinsalang produkto dahil sa umiiral na El Nino phenomenon.

Nasira din ang mga pananim na tubo kaya mababa ang produksyon ngayon sa Negros na tinaguriang sugar capital ng bansa.

Halos limandaang libong pisong halaga rin ng palay ang nasayang sa Isabela matapos salakayin rin ng mga daga.

Bunsod nito, nagdeklara ang Sangguniang Panlalawigan ng state of calamity sa buong probinsya upang ma-access ang calamity fund.

Aabot sa 40-million pesos ang pondong maaaring gamitin ng lokal na pamahalaan para sa mga apektadong magsasaka.

Una rito ay isinailalim na rin sa state of calamity ang Sipalay City, Hinoba-An, Pontevedra at Hinigaran dahil sa El Nino phenomenon.

(Primrose Guilaran/UNTV NEWS)

Tags: , ,