Tinanong ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sina Senator Alan Peter Cayetano at Koko Pimentel kung ano ang kanilang posisyon ngayon sa pagbubunyag ni Senator Antonio Trillanes ng umano’y tagong yaman ni presidential candidate Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Lacierda sa isang open letter na may petsang April 29 na ngayon mas lalong dapat na ipakita ng dalawang senador ang kanilang adbokasiya sa paglaban sa kurapsiyon tulad ng ginawa nilang imbestigasyon kay VP Jejomar Binay.
Sagot ni Senator Cayetano, hindi corrupt ang kanyang running mate na si Mayor Duterte.
Aniya, maigi na resolbahin ng admininistrasyon ang problema ng bansa sa nalalabing panahon nito sa halip na pagtuunang ng pansin sila ni Senador Pimentel.
Sinabi pa ni Cayetano na hindi dapat na ikumpara si Duterte kay Binay na nagpaalamang maraming pag-aari sa isang taong imbestigasyon ng senado.
Ayon naman sa ilang senador hindi dapat nagagamit ang mga bangko para sa isyung pulitikal.
Ayon kay Senador Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises dapat sundin ang nasa Bank Secrecy Law.
(Bryan de Paz/UNTV NEWS)
Tags: Koko Pimentel, open letter, Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Senator Alan Peter Cayetano