Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang border ng Myanmmar at India gabi ng Myerkules.
Ayon sa U.S. Geological Survey, tumama ang lindol sa North Western Myanmar at naramdaman rin sa Eastern India, Bangladesh at ilang bahagi ng Nepal.
Ilang empleyado at mga residente ang nagmamadaling lumabas ng kanilang opisina at bahay dahil sa takot.
Pansamantala rin pinutol ang suplay ng kuryente sa Northeast India matapos i-shutdown ang mga thermal station bilang precautionary measures.
Wala pang naiulat na nasaktan at nasirang ari-arian dahil sa lindol.
(UNTV NEWS)
Tags: lindol, North Western Myanmar