Komposisyon ng kani-kanilang cabinet members, inihayag ng ilang presidentiables

by Radyo La Verdad | March 18, 2016 (Friday) | 2719

POE
May ilang kandidato sa mataas na posisyon ang nagiisip na ng kanilang cabinet members kapag nanalo sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Senador Grace Poe, may ilang kasalukuyang miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino the third ang nais nitong kunin nguni’t ayaw munang pangalanan ang mga ito.

Binangit naman ng Senador ang cabinet members mula sa DOTC, BIR at Agriculture sa mga hindi nya kukunin.

Si Poe ay nag-ikot kahapon sa ibat-ibang bahagi ng lalawigan ng Cavite.

Paala-ala naman ng kampo ni dating Secretary Mar Roxas kay Poe, malinaw sa batas na co-terminus ang mga miyembro ng gabinete sa presidente na nag-appoint sa kanila.

Kaya’t ayon kay Daang-Matuwid Coalition Spokesman Rep. Barry Gutierrez, hindi na sila kailangang tanggalin dahil bababa sila sa pwesto pagkatapos ng termino ng presidente.

Si Roxas naman na nag-ikot sa probinsya ng Pampanga kahapon ay sinabing mas importante ang pagtutok sa pagkakaisa sa matuwid na pamamahalan na mapakikinabangan ng pamilyang pilipino.

Ayon naman sa tambalang Duterte at Cayetano, ayaw nilang maglagay ng magiging gabinete na pulitiko kundi ang naka-linya mismo sa bawat departamento ng pamahalaan.

Wala ring pulitiko na nais ilagay sa kanyang gabinete si Vice President Jejomar Binay.

Anya kanilang kukunin ang mga mayroong sapat na karanasan at kakayahan sa pamumunuang ahensya.

Target din nyang ibalik ang mga dating cabinet at senior government members.

Pahinga muna kahapon sa sorties si VP Binay matapos ang pag-iikot sa probinsya ng Ilocos.

Wala namang sorties si Senador Miriam Santiago kahapon ngunit naglabas ng statement kaugnay sa isyu ng money laundering.

Anya, sakaling palarin syang maging Pangulo ng bansa ay agad nitong sesertipikahang urgent ang panukalang palawigin ang Anti Money Laundering Law na sasakop na sa mga casino.

Kailangan din aniyang bansa ng presidente na hindi sunod-sunuran sa malalaking negosyo para sa kapakanan ng interes ng publiko.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: