Mag-iisyu na ang Department of Justice (DoJ) ng subpoena upang paharapin si Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) branch manager Maia Santos-Degutio sa preliminary investigation sa darating na Abril 19 kaugnay ng $81 million money laundering scheme.
Si Deguito ang sinasabing nag-apruba sa pagbubukas ng bank accounts ng apat na mga “John Does” gamit ang mga palsipikadong dokumento kaya’t nakapasok sa RCBC Jupiter Branch sa Makati City ang perang pinaniniwalaang ninakaw ng mga hacker sa isang bangko sa Bangladesh.
Batay sa imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), ang nga nabuksang accounts ay nakapangalan kina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vasquez. Ang apat ay kasama rin ipinatawag ng DOJ.
Sinampahan na ng AMLC si Deguito ng kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Law.
Tags: AMLC, RCBC, RCBC money laundering