Magsasagawa ng training ang Philippine Army sa Fort Magsaysay para sa mga sundalong gagamit ng bibilihing field gun mula Israel.
Siyamnapung sundalo ang kakailanganin ng Philippine Army Artillery Regiment para sa pag-operate ng labindalawang long tom 155mm field gun o mas kilala sa tawag na cannon 155.
Bibilhin ng Pilipinas sa Israel ang mga nasabing sandata at inaasahang makukumpleto ang delivery nito mula 2017 hanggang 2022.
Ang bibilhing cannon 155 ay kayang abutin ang target na nasa layong 22 kilometers, mas mahaba ito kumpara sa 14-kilometer reach ng ginagamit nilang kanyon sa Fort Magsaysay.
(Grace Doctolero/UNTV NEWS)