UNA, inaming sumulat sa COA kaugnay ng ilalabas nitong report laban sa mga Binay

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 3716

JOYCE_TIANGCO
Ayon kay Tiangco, sumulat siya sa Commission ng Audit kaugnay ng inilabas na report.

Sa kanyang liham ay pina-alalahanan lamang niya ang COA na hindi maaring mag-issue ng resolusyon,ruling o desisyon sa mga kandidato na nahaharap sa mga reklamo upang hindi mapagbintangan ang ahensiya ng pamumulitika.

Samantala, sinabi naman ng Ombudsman na nakatanggap na sila kopya ng report ng Anti-Money Laundering Council kaugnay ng umano’y milyun-milyong pondo ginamit umano ni Binay sa 2010 elections na galing sa mga maanomalyang transaksyon sa Makati.

Maliban sa Makati City Parking Building, limang pang magkakahiwalay na plunder at graft complaints ang kasalukyang iniimbestigahan ng Ombudsman kaugnay ng iba pang naging iregularidad sa Makati.

Pangunahing nirereklamo sina Vice President Jejomar Binay, anak nitong si Junjun Binay at iba pang opisyal ng lungsod.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,