2024 proposed budget, posibleng lagdaan ni PBBM bago ang Japan trip

by Radyo La Verdad | November 29, 2023 (Wednesday) | 2404

METRO MANILA – Inaasahang pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proposed budget na nagkakahalaga ng P5.7-T para sa taong 2024 bago matapos ang buwan ng Disyembre.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, posibleng pirmahan na ito ng pangulo bago ang kanyang pag-alis patungong Tokyo Japan sa Disyembre.

Inaasahan dadalo si Pangulong Marcos sa ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit mula December 16 hanggang 18.

9.5% na mas mataas ang inihain na budget para sa 2024 kaysa sa P5.268-T na budget para sa 2023.

Batay sa temang “Agenda for prosperity: Securing a future-proof and sustainable economy,” ang inihain na pambansang budget para sa susunod na taon ay sinadya batay sa 8-point socioeconomic agenda na tutulong sa pagtupad ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Tags: ,