2019 proposed budget, sisikaping maipasa ng Senado ngayong Disyembre

by Radyo La Verdad | November 29, 2018 (Thursday) | 14064

Nakipagpulong ang Department of Budget and Management (DBM) sa mga senador kahapon. Kaugnay ito ng kanilang apela na bilisan na ang pagpapasa ng panukalang 3.75 trilyong piso na pondo ng bansa sa susunod na taon.

Nababahala ang DBM sa epekto ng reenacted budget sa mga infrastructure project ng pamahalaan, lalot na’t paparating na ang campaign period.

Kaya naman ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, pipilitin nilang maipasa ang proposed national budget ngayong Disyembre.

Doble-kayod ang kanilang gagawin at mula ika-10 ng umaga hanggang ika-10 ng gabi ay magsasagawa sila ng deliberasyon. Target nila na maipasa sa 3rd and final reading ang proposed budget sa Disyembre 11 o 12.

Magsasagawa sila ng 1-day bicameral conference committee hearing upang matarget ang ratipikasyon ng budget sa ika-13 ng Disyembre.

Ayon sa mga senador posible naman ito.

“The budget is 3.7 billion, what we are talking about P50-billion, yun ang binago ng house, yun lang naman scrutinize diyan”- pahayag ni Sen. Ralph Recto

“Ako kakayanin ko lahat, as long as everybody support and help.”-pahayag ni Sen. Loren Legarda

Hiniling ni DBM Secretary Benjamin Diokno na i-review ng mga senador ang kanilang calendar session.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,