Pumasa na sa House Committee on Appropriations sa loob lang ng tatlong minuto ang panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa taong 2017 na nagkakahalaga ng 428.6 million pesos.
Sa pag-uumpisa ng pagdinig, walang sinumang kongresista ang nagtanong o kumuwistiyon sa proposed budget ng OVP.
Bumaba ng ilang porsiyento ang hinihinging pondo ng OVP kumpara sa kasalukuyang taon bunsod ng natipid nito sa renta sa kanilang opisina.
Limitado din ngayon ang gastos ni VP Robredo sa kanyang mga out of town trip dahil hindi ito nagsasama ng maraming staff at hindi tumutuloy sa mamahaling hotels.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: 2017 proposed budget ng OVP, House Committee on Appropriations