2016 National Budget, pamana ng pamahalaang Aquino sa susunod na administrasyon ayon sa DBM

by Radyo La Verdad | December 18, 2015 (Friday) | 4034

ABAD
Hindi lang regalo kundi itinuturing na pamana ng administrasyong Aquino ang P3.002T na 2016 National Budget sa susunod na administrasyon ayon sa Department of Budget and Management o DBM.

Ayon kay Budget Secreatary Butch Abad, ang naturang budget ay makakatulong upang makalikha ng mas malaking inclusive growth sa bansa.

Binigyang diin ng kalihim na ito na ang pinakahuling budget sa ilalim ng administrasyong Aquino at malaki aniya ang pagkakaiba nito kumpara sa mga naipasang budget bago ang termino ni Pangulong Aquino.

Nagawa rin aniya ng DBM na maihanda ang budget ng nasa panahon sa anim na taon, mabawasan ang maaksayang paggastos, maalis ang budget leakages at magawang ilagay sa online ang budget information.

Nadoble din aniya ng pamahalaan ang pambansang budget mula sa P1.645T lamang noong 2011 hanggang sa P3.002T sa susunod na taon dahil sa nakolektang buwis bagaman hindi ito itinataas.

Naniniwala ang kalihim na nadisenyo ang 2016 budget para tugunan ang pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,