200 LGUs sa bansa naka-integrate na sa eGov PH app ayon sa DICT

by Radyo La Verdad | June 27, 2023 (Tuesday) | 848

METRO MANILA – Aabot na sa 200 mga lokal na pamahalaan sa bansa ang naka-integrate o naka-ugnay na sa electronic o eGov PH application, na bahagi ng isinusulong digitalization ng PBBM administration.

Layon nito na pabilisin at gawing mas madali ang access ng ating mga kababayan sa mga transaksyon at programa ng gobyerno.

Ayon sa DICT, maaaring sa mga susunod na buwan ay maging accessible na rin para sa mga Pilipino na nasa abroad ang eGov PH application.

“Marami na pong na-integrate sa eGov PH app, kapag ito ay idinownload ng mga mamamayan, pwede na po nila ma-access yung kanilang PhilHealth, yung kanilang GSIS, pwede na rin silang mag-apply dyan ng passport, driver’s license, kasama na rin po dyan yung pag-aapply ng trabaho o kaya ay SIM card registration.” ani DICT Usec. David Almirol,

Tags: ,