Sinuspinde ng dalawang taon ng International Tennis Federation o ITF ang Russian Former World Number One na si Maria Sharapova.
Matapos itong magpositibo \noong Enero sa paggamit ng meldonium na isa sa mga gamot na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency o WADA.
Ang meldomium ay ginagamit ni Sharapova para sa sakit na diabetes at low magnesium.
Sa statement na inilabas ng ITF- lumabag si Sharapova sa Anti-Doping Rule Violation at sinususpinde ng dalawang taon na epektibo noong January 26.
Ibig sabihin hindi makapaglalaro si Sharapova sa Wimbledon championship ngayong taon.
Ito ang titulong napanalunan nya noong 2004 na nagpasikat sa kanya sa larangan ng tennis.
(UNTV RADIO)