Former world number 1 Maria Sharapova, nagpositibo sa drug test sa Australian open

by Radyo La Verdad | March 8, 2016 (Tuesday) | 2732

Former-world-number-1-Maria-Sharapova
Inihayag ng 28 anyos na five-time grand slam champion na si Maria Sharapova, na nagpositibo siya sa gamot na meldonium sa Australian open.

Ayon kay Sharapova, sampung taon na niyang ginagamit ang naturang gamot ngunit hindi niya alam na ipinagbabawal na ito simula noong January 1.

December 22 ng pinadalhan umano siya ng World Anti-Doping Agency o WADA ng email hinggil sa pagbabago sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamot ngunit hindi umano niya chineck ang listahan.

Hindi pa alam ng atleta kung ano ang ipapataw na sanction sa kanyang paglabag.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,