2 water concessionaires na inaakusahang may maanomalyang kontrata sa gobyerno, hindi malulugi – Malacañang

by Radyo La Verdad | December 18, 2019 (Wednesday) | 65209

Sa taong 2022 na mapapaso ang water concession deals ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa dalawang malaking kumpanya ng tubig na Maynilad Water Services at Manila Water Company. Ito ay matapos hindi na palawigin ng gobyerno ang kontrata hanggang 2037 na unang pinirmahan kasunod ng pag-kwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang agreement at sinabing may mga onerous provisions ito.

Una nang nagbanta ang dalawang water concessionaires na magtataas ng singil sa tubig at nagpahayag ng pangamba sa pagkalugi dahil sa non-extension ng kanilang kontrata at di mababawi ang ipinuhunan dahil sa pinaiksing panahon ng kasunduan. Subalit hindi naniniwala si Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo dito.

Aniya, marami nang kinita ang mga naturang kumpanya dahil sa di nila pagbabayad ng income tax at pagkontrol sa halaga ng singil sa tubig.

“I do not think the concessionaires lost in this business venture. They have profited so much out of this concessionaire agreements that is precisely why this government is complaining because of the onerous provisions. They didn’t file income tax, they were in control on the rates. So, how can you even say that they lost?” ani Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel.

Una nang pinababago ni Pangulong Duterte sa ilang miyembro ng kaniyang gabinete ang kasunduan ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water at pinaaalis ang mga pinaniniwalaang onerous provisions.

Ayon naman kay Secretary Panelo, posibleng magkaroon ng panibagong kontrata sa mga original concessionares subalit kung hindi sila papayag ay magkakaroon ng re-bidding.

“Then there will be a new contract. The original concessionaires will be the same people running it or if there are better proposals, there will be biddings, of course,” dagdag ni Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel.

(Rosalie Coz)

Tags: , , ,