Sinampahan na ng Anti Money Laundering Council o AMLC sa Department of Justice ng kasong paglabag sa Republic Act 9160 o ang Anti-Money Laundering Act sina Kam Sin Wong, alyas Kim Wong, at ang Chinese national na si Weikang Xu.
Ang dalawang negosyante ay itinuturong sangkot din sa money laundering scandal ng 81 million dollars na ninakaw mula sa Central bank ng Bangladesh.
Batay sa imbestigasyon sa Senado, si Kim Wong ang itinuturo ni Maia Santos-Deguito na nagbigay umano ng referral upang buksan ang apat na fictitiuos accounts sa RCBC Jupiter branch kung saan idineposito ang 81-million dollars na ninakaw sa Central bank ng Bangladesh.
Lumabas naman sa imbestigasyon ng AMLC na kabuuang 1-billion pesos ang nai-transfer ng Philrem sa account ng kumpanya ni Kim Wong sa Philippine National Bank noong Pebrero, samantalang kabuuang 18-million dollars at 600-million pesos naman ang nai-deliver ng Philrem kay Weikang Xu.
(UNTV NEWS)
Tags: Anti-Money Laundering Council, Kam Sin Wong, Kim Wong, Weikang Xu