2 LPA sa PAR, wala pa ring direktang epekto sa bansa

by Radyo La Verdad | August 7, 2018 (Tuesday) | 6263

Nasa Philippine area of responsibility (PAR) pa rin ang dalawang low pressure area (LPA). Ang isa ay nasa 1,245km sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, posibleng maging bagyo ito subalit maliit ang posibilidad na tumama o maglandfall sa anomang bahagi ng bansa.

Ang isa pang LPA ay nasa 550km sa kanluran ng Subic, Zambales. Pinalalakas nito ang habagat na siyang nakakaapekto naman sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Base sa forecast ng PAGASA, may kalat-kalat na pag-ulan na mararanasan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan, Mindoro provinces at Western Visayas.

May mga pag-ulan ding mararanasan sa Metro Manila, Bicol Region, Mindanao at nalalabing bahagi ng Calabarzon , Mimaropa, Central Luzon at Visayas.

 

Tags: , ,