Dalawang lalakeng Supreme Court Justices ang gagawing testigo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ayon kay Atty. Larry Gadon, ang complainant ng impeachment laban sa punong mahistrado. Habang hinihintay pa aniya ang pagpayag ng isa pang babaeng SC Justice upang tumestigo.
Nakakuha na si Gadon ng original na kopya ng Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN ni Sereno. May 20 orihinal na kopya din ito ng mga dokumento na naglalaman ng umano’y mga maanomalyang transaksyon ng Chief Justice.
Kung tutuusin aniya sapat na ito para makakuha siya ng mga boto para agad na itong mai-akyat sa impeachment court. Kinuwestiyon naman ng Makabayan bloc ang inihain impeachment comlplaint.
Samantala, dumistansya naman ang Malakanyang sa impeachment complaint laban kay CJ Sereno. Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, iginagalang ng executive branch ang separation of powers ng mga sangay ng pamahalaan partikular na ang exclusive power na nasa mababang kapulungan ng kongreso na tumanggap at magproseso ng kaso ng impeachment.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: Atty. Larry Gadon, CJ Sereno, Supreme Court