METRO MANILA – Higit 1-M doses ng bakuna kontra coronavirus disease ang inaasahang darating sa bansa.
Manggagaling ang vaccine supply sa pharmaceutical companies na Astrazeneca, Pfizer at Sinovac.
Ayon kay National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez, tuloy ang target roll out ng mass vaccination program sa pebrero.
“We are negotiating na meron pong darating na more or less 200,000 to 500,000, Astrazeneca for our health workers, Pfizer sa Covax, and also 500,000 for sinovac. So more or less, magkakaroon po tayo ng early rollout this february, more or less…more than 1 million doses” ani National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez.
Tuloy pa rin ang pakikipagnegosasyon ng pamahalaan sa 7 iba pa na vaccine manufacturers.
4 na term sheets na ang pinirmahan ng pamahalaan sa suplay ng Covid-19 vaccines at malapit na ring maisapinal ang kasunduan kaugnay nito.
“We hope to seal deals within this month or early February “ ani National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez.
Target ng pamahalaang makapagbakuna ng nasa 50 hanggang 70 milyong mga mamamayan ngayong taon.
Samantalang 148-M doses naman ng Covid-19 vaccine doses ang target mai-secure ng pamahalaan bukod sa suplay na manggagaling sa Covax facility.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Astrazeneca, COVID-19 Vaccine, Pfizer, siNOVAC