Bilateral security dialogues tungkol sa EDCA idaraos sa Washington sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | March 11, 2016 (Friday) | 5888

VOLTAIRE-GAZMIN
Ipinahayag ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na muling magsasagawa ng bilateral security dialogue sa Washington ang Pilipinas at Amerika tungkol sa proseso ng pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement ng dalawang bansa.

Kakatawanin nina Defense Secretary Gazmin at bagong Talagang Foreign Affairs Secretary Rene Almendras ang Pilipinas sa EDCA dialogue.

Ang kanilang counterpart naman ay sina US Defense Secretary Ashton Carter at US Secretary Of State John Kerry.

Ayon kay Gazmin, magandang pagkakataon ang pag-uusap na ito ng dalawang bansa.

Sa ngayon, wala pa ring pinal na napagkakasunduan kung saan-saang Philippine Military bases hihimpil ang mga tropa ng Amerikanong sundalo gayundin ang kanilang mga pasilidad bilang bahagi ng EDCA.

Samantala, sinabi rin ng DND na kasalukuyan pang pinag-uusapan ang pag-arkila ng Pilipinas sa Japan ng TC-90 training aircrafts.

Myerkules, binanggit ito ni Pangulong Benigno Aquino the third sa Philippine Airforce Change of Command Ceremony.

Sinabi ng Pangulo na tutulong ang TC-90 training aircrafts sa Philippine Navy sa pagpapatrolya sa teritoryo ng bansa partikular na sa West Philippine Sea.

Ayon kay Sec. Gazmin, kabilang ang mga aircraft na ito sa inalok ng Japan sa ilalim ng nilagdaang Philippines-Japan Agreement on the Transfer of Equipment and Technology.

Bahagi pa rin ito ng modernization ng Armed Forces of the Philippines na gagamitin sa pag-papatrolya sa West Philippine Sea.

(Rosalie Coz/UNTV NEWS)

Tags: , ,