Ilang presidential candidates umapela sa mga botante na magbantay sa nalalapit na halalan

by Radyo La Verdad | March 11, 2016 (Friday) | 5631

POE
Umapela si Senador Grace Poe sa non-government organizations, media entities, supporters at publiko na bantayan ang mahalagang boto upang di na maulit ang dayaan noong 2004 elections.

Nagikot kahapon sa probinsya ng Samar si Senador Poe.

Pabor rin ang Senador sa panukalang magtatag ng Samar Island Region.

Ayon kay Poe, dapat kapareho ito sa pagkakatatag ng Negros Island Region sa pamamagitan ng Executive Order na nilagdaan noong May 2015 ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nag-ikot naman sa buong Cavite kahapon si presidential candidate Mar Roxas.

Dito hindi naiwasang mabanggit ng dating kalihim ang isyung kinahaharap ngayon ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Roxas dapat maging maingat ang taong bayan at huwag sanang matulad ang bansa sa nangyari sa Makati.

Dumalo naman sa ibat-ibang forums sa Metro Manila si presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte.

Tumayong guest speaker si Duterte sa joint manning group general assembly sa Maynila at gathering ng G-12 Philippines at 35th Annual Chest Convention of Philippine College of Chest Physicians sa Pasay

Ayon kay Duterte ang Comelec ang dapat gumawa ng paraan upang maalis ang isyu ng no-election senario sa Mayo.

Dumalo naman si UNA presidential candidate Vice President Jejomar Binay sa graduation ceremony ng Philippine National Police Academy sa Silang Cavite.

Walang naging campaign sorties si Senador Miriam Santiago kahapon.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: