Preliminary investigation sa drug case ni LT.Col. Ferdinand Marcelino, tinapos na ng DOJ

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 11726

MARCELINO
Submitted for resolution na sa Department of Justice ang mga kaso ni LT.Col.Ferdinand Marcelino na nag ugat sa pagkakaaresto sa kanya sa pagawaan ng shabu sa Sta Cruz Manila.

Nagsumite si Marcelino ng kanyang rejoinder affidavit at igiit na inosente siya sa mga akusasyon ng PDEA at PNP-Anti Illegal Drugs Group.

Ginamit ni Marcelino ang sulat ng NBI na nagsasabing patuloy siyang nagbibigay ng impormasyon sa kampanya ng ahensiya laban sa illegal na droga.

Ngunit sa isa pang sulat ng NBI noong Pebrero, sinabing walang ibinibigay na impormasyon si Marcelino tungkol sa pagawaan ng shabu sa Sta.Cruz Manila.

Itinanggi rin ng NBI na action agent nila si Marcelino.

Muli ring iginiit ni Marcelino na bahagi ng kanyang trabaho ang kanyang presensya sa ni-raid na pagawaan ng shabu.

Pagpapasyahan naman ng DOJ sa loob ng animpunapung araw kung issampa sa korte ang mga kaso laban kay Marcelino.

(Roderic Mendoza/UNTV NEWS)

Tags: ,