Mga kaanak ng mga biktima ng Kentex fire hiniling sa DOJ na bilisan ang imbestigasyon sa kaso

by Radyo La Verdad | March 8, 2016 (Tuesday) | 1645

KENTEX
Mag-iisang taon na ang nakalipas ngayon palang inumpisahan ng Department of Justice ang preliminary investigation sa sunog sa pagawaan ng tsinelas sa Valenzuela City na ikinamatay ng 72 empleyado nito.

Ayon sa abogado ng mga biktima ng Kentex fire hiniling nila sa DOJ na bilisan ang pagiimbestiga sa kasong kriminal na isinampa ng nasa mahigit na 50 complainant.

Sinampahan nila ng reckless imprudence resulting to multiple homicide at labor code violation ang mahigit limang opisyal ng Kentex.

Sa mahigit 50 na nagsampa ng complaint, 12 pa lamang ang nabibigyan ng hearing ng DOJ.

Kaya naman nagsagawa kahapon ng kilos protesta ang mga kaanak ng nabiktima ng Kentex fire.

Sa ngayon ay umaasa nalang ang mga kanaank ng biktima at mga survivor na mabibigyan na sila ng hustisya sa lalong madaling panahon.

(Darlene Basingan/UNTV NEWS)

Tags: ,